Sometimes, you forgive people simply because you still want them in your life.
Minsan, kahit ang sakit na nung nagawa nila, mapapatawad mo pa rin sila. Eh sa wala eh, mas mabigat pa sa kasalanan nila yung presence nila sa buhay mo, kaya nakukuha mo pa rin magpatawad.
Pero sa bawat pagpapatawad, naroon yung munting hiling natin. Sana, hindi na maulit. Sana, wala nang katulad na problema. Sana, wala nang pwede pang pag-awayan natin, kasi mahirap sa kalooban.
Eh kaso yung iba, abusado. Kaya yung pagpapatawad, nagiging pahirapan. :|
